Isang Lalaki Ibinahagi Kung Paano Manghuli ng Maraming Isda at Alimango sa Napakagaling na Paraan

Isa ang Cambodia sa mga bansang sa ginantimpalaan ng kasaganaan pagdating sa kanilang pagkukunan ng isda kaya naman hindi nakapagtataka na ang karamihan sa mamayan dito ay magagaling mangisda.

Ang mga mamayan dito ay may ibat ibang nakakahangang paraan sa panghuhuli ng isda kaya naman nag viral ang isang post ng netizen ng ibahagi nito ang napakagaling na ideya ng isang master fisherman para manghuli ng isda gamit lang ang mga bamboo tubes.



Sa article na ito ibabahagi namin ang paraan na ginawa ng Master Fisherman na ito sa paghuli ng madaming isda at alimango.

Narito at basahin ninyo.

Una, naghukay siya ng butas malapit sa tubigan na magsisilbing paglalagyan niya ng kanyang bitag sa mga isda.

Pagkatapos pinutol niya ang isang mahabang kawayan sa limang piraso, at bawat piraso ay may sukat na nasa 60 to 70 sintemetro ang haba. Pagkatapos tinangal ang mga nakaharang sa loob ng kawayan para magsibling lagusan ng mga isda.

Pagkatapos, inilagay ng mangingisda ang mga kawayan kung saan siya naghukay. Ang kabilang dulo ay nakaharap sa tubigan at ang kabila naman nito ay papunta sa butas na nagsibling kulungan ng mga isda.



Naglagay din ang mangingisda ng pain sa magkabilang dulo ng kawayan para magsilbing pain at para mapunta ito sa ginawa niyang hukay.

At ang pinakahuli, tinabunan niya ang kanyang bitag ng mga dahon.

Sa pangalawang araw, bumalik ang mangingisda para silipin ang kanyang bitag at ng buksan niya ito laking tuwa niya na punong puno ng isda at alimango ang kanyang bitag.



Inilagay ng lalaki ang kanyang mga nahuling isda at alimango isa isa sa kanyang dalang timba, pagkatapos naglagay ulit siya ng pain sa magkabilang dulo ng kanyang bitag upang sa pagbalik nito sa susunod na araw ay madami ulit siyang huli.

Napakagaling ng naisip na ito ng Cambodian master fisherman na ito kaya naman madami ang humanga sa kanyang ideya. Siguradong malaki din ang kikitain niya kapag binenta niya ang kanyang mga huli.

Anong masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

Narito at panoorin niyo ang video:



Please follow and like us:

Related Post