Isang Ina ang Huminge ng Isang Basong Tubig sa para sa Kanyang Anak Ngunit Tinanggihan ito ng Waiter, Hindi Nagtagal Nagsisi ang Waiter sa Kanyang Ginawa

May mga tao talagang likas na may masamang pag-uugali tulad nalang ng hindi maayos na pagtrato sa kanilang kapwa. Ang kwento na inyong mababasa ay tungkol sa isang taong kinarma dahil naging masama siya sa isang babae na ang gusto lang naman ay uminom ng tubig.

Isang araw, isang ina na may dalang sanggol ang pumunta sa restawran para humingi ng isang baso ng tubig dahil nauuhaw ang kanyang anak. Ngunit hindi nila inaasahan na ang kanilang napasukang restawran ay hindi pala nagtitinda ng tubig kundi mga inuming may soda lang gaya ng coke at sprite.



Dahil sanggol palang ang kanyang anak, hindi pa ito pwedeng uminom ng mga inuming may soda kaya naman humanap siya ng paraan para makainom ito ng tubig.

Habang siya ay naghahanap ay may napansin siyang water fountain sa loob ng restawran. Agad niya itong pinuntahan at nagbakasakali siya na pwede sa kanyang anak ang tubig sa water fountain.

Image courtesy: www.google.com (for illustration purpose only)

Ngunit hindi pa kaya ng kanyang anak ang uminom sa water fountain kaya naman lumapit siya sa isang waiter at huminge ng isang basong tubig na galing sa water fountain.

Sinagot at tinanung naman siya ng waitress kung may dala silang baso? Agad niya naman itong sinagot ng wala kaya naman hindi siya hinayaan ng waiter na uminom ng tubig mula sa water fountain dahil lang sa wala itong dalang baso.

Nakiusap naman ang ina na kung pwede nilang gamitin ang baso ng restawran para makainom na ng tubig ang kanyang anak dahil ito ay uhaw na uhaw na. Dagdag pa niya na babayaran naman niya ang baso na kanilang gagamitin ngunit hindi parin siya pinagbigyan ng babaeng waiter at sinabi pa nito na bakit hindi nalang sila bumili ng inumin na may soda.



Pinaliwanag naman ng ina ang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng bumili ng inumin na soda dahil ang kanyang anak ay sanggol pa. Dahil sa sinabi ng ina, umalis ang waiter imbis na kumuha ito ng baso ay hindi na ito bumalik at inasikaso na nito ang iba pang kustomer ng kanilang restawran.

Nang makauwi na ang magina sa kanilang tahanan ay nakipagkwentuhan ito sa kanilang mga kapitbahay. Ikiniwento ng ina sa kanilang kapitbahay ang ginawa ng isang babaeng waiter ng isang restawran sa kanilang magina.

Pagkatapos nila marinig ang nangyari ay nagalit sila sa waiter at sa may-ari ng restawran kaya naman ipinangako nila sa mag-ina na hinding hindi na sila kakain sa restawran na iyon.

Image courtesy: www.google.com (for illustration purpose only)

Isa sa mga kapitbahay na nakarinig sa kwento ng batang ina ay guro sa paaralan na malapit sa restawran na tinutukoy ng batang ina. Dahil hindi niya nagustuhan ang ginawang pambabastos ng waiter sa batang ina at para hindi na ito maulit pa sa iba ay sinabihan niya ang kanyang mga estudyante na huwag ng pumunta o kumain sa nasabing restawran.



Image courtesy: www.google.com (for illustration purpose only)

Tulad ng guro nainis din ang mga studyante sa kanilang narinig kaya naman sinabihan din nila ang kanilang mga kaibigan na huwag ng pumunta sa nasabing restawran.

Dahil dito unting unting nawalan ng kustomer ang restawran na dati ay punong puno ng tao lalo na ng mga studyante. Kahit na sila ay gumawa ng promo ay hindi parin ito sapat para bumalik ang dati nilang mga suki dahil panandalian lang ang promo na kanilang ibinibigay. Nagsimula na ding dumami ang mga kalaban ng nasabing restawran hanggang sa tuluyan na itong nalugi dahilan para mawalan ng trabaho ang babaeng waitress na sinungitan ang mag-ina.

Iba talaga kapag may ginawa kang masama sa kapwa mo dahil masama din ang babalik sa iyo. Ayon sa isang kasabihan na kung ano ang iyong tinanim iyon din ang iyong aanihin, kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo kabutihan din ang isusukli nila sa iyo.



Please follow and like us:

Related Post