Isang Bibong Bata Pinuri ng mga Netizens Matapos Mapanood ang Kakaiba at Napaka Cute na Bersyon nito ng Kiki Dance Challenge

Ang “Kiki Dance Challenge” ay isa sa mga sumikat at nagbigay ingay sa social media nung nakaraang buwan. Inulan ang internet ng iba”t-ibang bersyon ng dance challenge na ito, mayroong mga nakakatawang pagtulad, mayroon ding sariling bersyon, at ang iba naman ay para magpakita ng kanilang husay sa pagsayaw.

Kilala din ito sa tawag na #InMyFeelingsChallenge, ang kantang “In My Feelings” ay hit single ng sikat na mang-aawit na si Drake mula sa bago nyang album na Scorpion. Tampok sa Kiki Challenge ang pagbaba sa kotse, pagsayaw at pag lip-sync sa tabi ng sasakyan habang umaandar ito.



Nagsimulang magbigay ingay sa internet ang challenge na ito nang unang i-post ng internet comedian na si Shaggy ang video ng kanyang sarili sa Instagram na isinasayaw ito.

Kung saan nagsimulang tawagin itong internet trending obsession, ang kantang ito ay tunay ngang nakakaaliw dahil sa lyrics nitong “Kiki, do you love me? Are you kidding? Said you’d never ever leave from beside me, cause I want you and I’m down for you always”. Kaya naman maging ang mga pangkaraniwan at mga kilalang personalidad ay tinanggap ang hamon at gumawa ng kani-kanilang sariling bersyon ng Kiki Dance Challenge.

Kamakailan lamang, agaw pansin sa internet na may isang napakacute na bata ang nagviral at muling nagbalik ng ingay sa social media nang i-post ang kakaiba nyang version ng Kiki Dance Challenge.

Isang netizen ang kumuha ng video sa napakacute na batang ito habang sumasayaw sa tabi ng daan habang umuulan. May caption ang videong ito na “WALA DAW SYANG CAR KAYA SA TABI NG KALSADA NALANG SYA SASAYAW. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. KAHIT SAN KA TALAGA ALING MALIIT!”



Wala man siyang kotse para sa challenge na ito pero kitang-kita na enjoy na enjoy si Aling Maliit at tila tuwang-tuwa na sumasayaw kahit umuulan pa. Ang nasabing video ay umabot na ng 1.1 Million views sa Facebook at 11 Thousand netizen reactions naman.





Please follow and like us:

Related Post