Isang Babae Huminge ng Tulong sa mga Netizens na Mahanap ang Matagal ng Nawawalang Asawa, Ngunit Masakit na Katotohanan ang Kanyang Natuklasan

Ang bawat tahanan ay may haligi at ilaw at iyon ay ang ating mga Ama at Ina na siyang nagsasakripisyo at sumusuporta sa lahat ng pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Hangad nilang maibigay ang maganda at marangyang buhay para sa kanilang mga anak kaya kahit anong hirap at problema ay haharapin at susuyurin.

Isa sa pinaka mabilis na paraan sa pag-angat sa buhay ay ang makapagtrabaho sa ibang bansa dahil sa oportunidad na makakuha ng trabaho na may mataas na sahod.



Kahit na alam nilang mapapalayo sila sa kanilang pamilya, handa silang magtiis at magsakripisyo, maibigay lang ang magandang buhay na hinahangad para sa kanilang pamilya.

Maraming pagsubok ang puwedeng pagdaanan ng isang pamilya dahil sa pangingibang bansa ng haligi o ng ilaw at isa na dito ay ang pangangaliwa o ang pagkakaroon ng ibang lalaki o babae sa kanikanilang buhay, kung saan nahahati na ang atensyon at may mga pagkakataon na tuluyan ng iniiwan ang kanilang pamilyang naiwan sa pinas para sa bagong kinakasama.

Ito ay isa sa pinakamasakit na katotohanan na talagang nangyayari sa maraming pamilya na pinili ng haligi o ilaw ng tahanan na mangibang bansa at doon maghanapbuhay.

Isa sa mga nakaranas ng ganitong sitwasyon na nagviral sa social media ay ang kuwento ni Lyn Morta Paclibar.

via: Lyn Morta Paclibar | Facebook

Nagbakasakali si Lyn na mahanap ang kanyang asawa na matagal ng hindi nagpaparamdam sakanya sa pamamagitan ng pag post sa social media.

Image credits: Lyn Morta Paclibar
Image credits: Lyn Morta Paclibar

Ayon sa Ina ng tatlong supling, ang kanyang asawa na si Roberto Paclibar, Jr. ay nagtungo sa bansang Taiwan para maghanapbuhay doon. Ngunit makalipas ang isang taon nang ito ay umalis, ay wala na silang komunikasyon mula kay Roberto. Wala na silang natatanggap na tawag mula dito o kahit man lang anong uri ng mensahe.

Si Lyn at ang kanilang tatlong anak ay nangungulila na sa kanyang asawa at sa kanilang ama. Tanging sa mga larawan na lang ng kanilang civil wedding at magagandang alaala ng sila ay buo at magkakasama pa noon ang kanyang pinanghahawakan.



Huminge ng tulong ang babae sa mga kakilala ng asawa na nakabase sa bansang Taiwan o sa Pilipinas na mabigyan siya ng konting ideya o kaalaman kung saang lugar namamalagi ang kanyang asawa at hinihiling sa mga kaibigan na maipaalam ang sitwasyon ng kanyang pamilya na naiwan sa pinas.

Mabilis namang umaksyon ang mga Netizens na nakabasa ng post ni Lyn at sila ay parang mga secret agent ng CIA na nag-imbestiga at hinanap ang Facebook Account ng nasabing lalaki.

Marami ang nagkomento sa post ni Lyn na nagsasabi na ang kanyang asawa ay maayos at ligtas at nasa mabuting estado ng pamumuhay sa bansang Taiwan. Ngunit ang masakit ay may kinakasama na pala itong ibang babae.



Ayon pa sa mga netizens na nakatuklas na may isa pang account si Roberto na itinago niya sa pangalang Prince Robert Wu na agad namang naglaho ng maibalit ito.

Sa kabilang banda ay pinayuhan naman ng ibang Netizen na nakikisimpatya sa kawawang ina na ilapit ang suliranin sa tanggapan ng DFA at POEA at para mabigyan siya ng linaw kung ang kanyang asawa nga ay nagtratrabaho pa rin sa ibang bansa.

Mas binigyan nila ng payo si Lyn na itaguyod na lang ang sariling pamilya sa kanyang sariling kakayahan at huwag na magsayang ng oras na hanapin pa ang kanyang asawa na matagal na silang kinalimutan at iniwan.

source: newssentinel



Please follow and like us:

Related Post