Ibinahagi ng Isang Netizen ang Kanyang Tipid Tips Kung Paano Niya Napababa ang Bill Nila sa Kuryente ng Halos Kalahati

Kung isa ka sa mga taong gustong makapag ipon ng pera, isa ang pagtitipid sa mga dapat mong isaalang-alang. Mahirap mahirap kumita ng pera kaya naman dapat marunong tayo kung paano natin ito titipirin at gagastusin.

Hindi natin maitatangi na isa ang kuryente sa mga gastosin natin sa bahay na talagang mabigat sa bulsa. Lahat ng mga bagong teknolohiya ngayon na naglalabasan ay gumagamit ng kuryente dahilan kaya marami ang namomoblema sa napakalaking bayaran sa kanilang electric bills.



Paano nga ba natin mababawasan ang ating bayarin sa kuryente? Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang “Tipid Tips” kung paano niya nga ba napababa ng malaki ang kanilang bayarin sa kuryente.

Ibinahagi ng isang Facebook group na may pangalang “Peso Sense” ang post ng isang netizen na nagngangalang Mery Mae Villasin.

Makikita sa nasabing post ni Mery ang pinagkaiba ng kanyang Bayarin nang kuryente sa buwan ng April at May. Pinakita ni Mery na ang kanyang bill noong April na may due date na May 8, 2018 ay nagkakahalaga nang P1,179.64.

Ngunit dahil gumawa siya ng paraan upang mapababa ang kanyang bayarin sa kuryente, bumaba ang kanyang bayarin sa buwan ng mayo na nagkakahalaga nalang nang P651.25.

Narito ang tipid tips na ibinahagi ni Mery na talaga nga namang epektibo at kailangan lang sundin:

Gumamit ng LED lights – Napakalaki ang matitipid mo sa kuryente kung lahat ng inyong ilaw na gagamitin sa inyong bahay ay puro LED (Light Emmiting Diode).

Gumamit inverter refrigerator – Oo at mejo may kamahalan ang inverter refrigerator pero ayon nga sa nakakarami na magandang investment ang inverter na refrigerator dahil napakalaki ang matitipid mo kada buwan sa kuryente.



Huwag gumamit ng Washing Machine kung di naman kailangan – Kung talagang gustong makaipon at makatipid, hanggat maari maglaba nalang gamit lang ang kamay at wag na muna gumamit ng washing machine. Gumamit lang nito kung may mga importanteng bagay o kaya kung busy ka sa ibang bagay.

Bunutin lahat ng nakasaksak na appliances o gadgets – Mas maiging  bunutin lahat ng mga bagay na gumagamit ng kuryente kung ito ay hindi naman ginagamit.

Patayin ang TV kung hindi naman ginagamit – Hindi natin maipagkakaila na dahil may internet na at nasa sala ang inyong mga anak, may mga oras na binubuksan nila ang TV kahit hindi naman sila na nonood at nakaharap lang naman sa kanilang mga celphone at nag iinternet, kaya mas mainam na patayin o pagsabihan ang mga anak na patayin ang tv kapag mag cecelphone lang naman sa harapan nito.

Gumamit ng Electricfan na may plastik na elisi – Mas makakatipid tayo kung ang gagamitin natin na electricfan ay plastik ang elisi dahil sa mas mababa ang pagkonsumo nito ng kuryente dahil mas magaan ang mga ito kaysa sa mga bakal na elisi kung saan mas kaunting kuryente lang ang kinakailangan.

Aircooler nalang ang gamitin kaysa Aircon – Gumamit nalang ng air cooler kaysa sa aircon kung maliit lang naman ang inyong kuwarto, sa pamamagitan nito mas malaki ang matitipid ninyo sa kuryente.

Plantsahin lang ang mga damit na importante – Mas makakatipid kayo sa kuryente kung ang plaplantsahin niyo lang na damit ay ang mga kailangan niyo o kaya yung mga pang lakad na damit at wag na yung mga pambahay.

Dagdag tips:

Mas mainam din kung mas malaki ang bintana sainyong bahay, upang mas madaling makapasok ang hanging at hindi mo na kinakailangan pang gumamit ng aircon o kaya naman kahit anong appliances na gumagamit ng kuryente.

Iwasan din gumamit ng mga appliances na malakas gumamit ng kurnyete katulad ng oven o kaya electric stove.

Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Ibahagi sa iba kung nakatulong sainyo.



Please follow and like us:

Related Post