Grupo ng mga Sundalong Nagpapatrolya sa Karagatan Nailigtas ang Isang Elepante Na Palutang lutang sa Dagat

Isang grupo ng mga sundalong pandagat ng bansang Sri Lanka ang nakakita ng isang malaking bagay habang nagpapatrolya sa kostal ng dagat nila. Nang malapitan nila ito, hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa upang tulungan itong mailigtas.

Nangyari ang insidenteng ito noong Hulyo matapos ang madalas na pagpapatrolya ng bankang hukbong pandagat ng Sri Lanka sa hilagang-silangang bahagi ng dalampasigan ng Kokkilai. Nagulat sila ng makakita ng elepante na halos siyam na layo mula sa dalampasigan ng bayan.



Malalakas ang alon ng mga oras na iyon kaya hirap ang elepante na makabalik sa pampang. Ginagamit ng elepante ang kanyang mahabang ilong para makahinga kahit na nalulunod na ito. Nagmadali silang nakipag-ugnayan sa departamento ng Wildlife para makahingi ng tulong bago nila gawin ang mga hakbang sa pagligtas sa elepante.

Ayon kay Chaminda Walakuluge, isang tagapagsalita mula sa sundalo ng kanilang hukbong pandagat, sinabi niya na: “Kahit na mayroon kaming kakayahan para pagplanuhan ang pagligtas sa nalulunod sa dagat, hindi namin alam kung paano ito gagawin sa elepante.

Kaya nagmadali kaming tawagan ang mga propesyonal na may alam sa mga hayop sa wildlife. Sinabi ng mga eksperto na kailangan magsagawa kami ng koneksyon sa hayop na iyon bago kami magsimula sa pagliligtas.”

Mabuti na lamang ay naisagawa nila ng tama ang plano nila sa pamamagitan ng abiso mula sa mga opisyal ng departamento ng wildlife. Isang grupo ng mga sundalo ang sumisid sa ilalim ng dagat upang lapitan ang elepante at itinali ito sa mga lubid.



Nahirapan silang pakalmahin ang elepante ngunit naalis nila ito sa malalim na parte ng dagat. Inabot ang operasyon ng labin-dalwang oras bago nila tuluyang nailigtas ang elepante.

Inamin ni Walakuluge na halos mirakulo ang pagkakatakas nito sa kapahamakan.

[It was a miraculous escape.]

The navy said that the animal had probably been swept into the sea while trying to cross the Kokkilai lagoon, which runs between two jungles, near Mullaitivu and Trincomalee districts

Inamin ng mga sundalo na maaaring inanod daw ang hayop na iyon papunta sa dagat habang binabaybay nito ang lawa ng Kokkilai na nagdurugtong sa dalawang kagubatan malapit sa distrito ng Mullaitivu at Trincomalee.

Ang hayop na ito ay isang lalaking elepante na halos 35 taong gulang na. Tumatayang 8 ft. ang taas ng haba ng elepanteng ito.



Isang araw matapos ang insidente, binisita ang hayop ng mga kawani sa departamento ng wildlife ng Sri Lanka. Tiningnan nila ang kalagayan ng hayop bago ito pakawalan sa gubat na Yan Oya na malapit sa Truncomalee.

Ayon sa mga pahayag ni Joyce Poole, isa sa mga bumuo sa The Elephant Voices Conservation Group, na ang mga elepante raw ay sinasabing magagaling lumangoy kumpara sa ibang mga hayop na namumuhay sa lupa. Maaaring hindi ito nakaalis sa pagkalunod dahil sa sobrang pagod sa tagal na pagkakalangoy noong mga oras na iyon.

Pinaniniwalan naman na halos 7,500 na elepante ang naninirahan sa kagubatan ng Sri Lanka. Dahil sa pagtaas ng antas ng pangangalbo sa kanilang kagubatan, maraming mga hayop, kabilang na ang mga elepante, ang nawawalan ng sarili nilang tahanan.

Panoorin ang kabuuang video na ito:

Ano ang masasabi niyo sa mga sundalo na nagligtas sa kaawa-awang elepante na ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



Please follow and like us:

Related Post