Grade 9 Student, Nakunan ng Larawan na Nag-aaral sa Kalsada Habang ang Kanyang Alagang Aso naman ay Matiyagang Namamalimos

Suwerte ang ilan sa mga kabataan na nakakapag-aral sa mga ekslusibong paaralan, hatid at sundo ng sasakyan, sobra sobrang baon na ibinibigay ng kanilang mga magulang.

Ngunit sa kabila ng mga prebilihiyong ito marami parin sa kanila ang hindi nag papahalaga sa kanilang pag-aaral. Hindi lahat ng tao ay kayang makapag-aral. Maraming mga kabataan ang gustong makapag-aral ngunit walang kakayahan ang kanilang mga magulang para sila ay pag-aralin.



May iba naman na nakakapag-aral nga ngunit kailangan pa nilang mag-trabaho para matustusan ang sarili nilang pag-aaral at ang kanilang mga pamilya.

Isa dito ay si Eddie Aquino, 16 taon gulang at nakita ng isang netizen na nagngangalang Ian Capoquian na nanlilimos sa ilalim ng LRT kasama ng kanyang alagang aso.

Kinunan ng larawan ni Ian si Eddie at ipinost sa social media upang humingi ng kaunting tulong sa mga netizen. Agad naman nag viral ang kanyang post at umani ng libo libong positibong reaksyon at nag-aalok ng tulong.

Si Eddie ay nakita na nag-aaral sa ilalim ng isang LRT station kung saan kasama niya ang kanyang aso na siya namang namamalimos. Si Eddie ay Grade 9 na at kinailangang maghanap buhay sa kadahilanang hiwalay na ang kanyang mga magulang at tanging ang ama niya nalang na nanghihina ang kasama niya at ang dalawa niya pang mga kapatid.



Ang kanyang ina ay may iba ng pamilya kaya naman napilitan ni Eddie na gumawa ng paraan upang kumita ng kunting pera para matulongan ang kanyang pamilya at masuportahan ang kanyang pag-aaral.

Dahil isa palang mag-aaral si Eddie, hindi siya makakuha ng regular na trabaho kung saan magbibigay sakanya ng pagkakakitaan na pang gastos nila pang araw-araw kaya naman napilitan nalang siya na mamalimos kasama ang kanyang alagang aso na si Black Jack.

Ang aso ni Eddie na si Black Jack ay isang matalinong aso na kayang intindihin ang sitwasyon ng kanyang amo. Dahil matalino si Black Jack siya na mismo ang lumalapit sa mga tao para humingi ng maibibigay na tulong galing sa mga dumaraan habang si Eddie naman ay nakaupo lang, tinitiis ang lamig sa ilalim ng estasyon habang gumagawa ng kanyang mga takdang aralin.

Nagviral ang larawan ni Eddie at ang kanyang aso dahilan upang kaawaan ng libo libong netizens. Ayon sa nag post na si Ian na wala siyang masamang intensyon sa pag kuha ng larawan kay Eddie dahil ang tanging gusto niya lang at intensyon ay matulongan ang kaawa-awang binatilyo na ito na mapansin sa social media at matulongan ng mga taong may magagandang puso.

Kaya ating ibahagi ang istorya ni Eddie upang matulongan siya at mapansin pa ng maraming tao na may magagandang puso at hangarin.



Please follow and like us:

Related Post