Grade 5 Student, Araw-araw Kasama ang Inang may Sakit sa Eskwelahan upang Masubaybayan ito at Maalagaan Habang Nag-aaral

Hindi natin maitatangi na ang ating mga ina ang isa sa pinaka mahalagang tao sa ating buhay dahil ito ang nagsilang at patuloy na nag-aalaga sa atin.

Kahit pa ang ilan sa atin ay nasa hustong edad na at kaya ng tumayo sa sariling mga paa, hindi parin maikakaila ang pagaalalang nararamdaman ng ating mga ina para saating. Pero paano kung dumating ang oras na ang mga ina naman natin ang kailangan ng atensyon at pagaaruga? Maibibigay ba natin ito sakanya kahit na may kanya kanya na tayong mga buhay?

Kaya naman ibabahagi namin sainyo ang istorya ng isang Grade 5 na bata kung saan dalawa nalang sila ng kanyang inang may kapansanan ang namumuhay, kaya naman sa murang edad at kahit nag aaral kasa kasama ng bata ang kanyang ina kahit saan siya mag punta dahil wala ng ibang titingin o magbabantay dito kundi siya.



Isa sa mga nagviral na larawan sa social media na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay ang larawan ng isang Grade 5 student kasama ang kanyang inang may kapansanan. Ang nasabing grade 5 student na ito ay siyang nag aaruga sa kanyang ina at araw-araw niya itong kasama kahit saan man siya mag punta.

Ang nasabing bata ay nag ngangalang Jhon Mark, at nakunan sila ng kanyang ina ng larawan habang tulak tulak niya ito papunta sa kaniyang eskwelahan. Umaraw man at umulan isinasama ni Jhon Mark ang kanyang ina sa kanilang paaralan at inaabot siya ng halos 30 minutos sa pagtulak ng wheelchair ng kanyang ina bago makarating sa kanilang paaralan.

May mga pagkakataon na malakas ang ulan at dito mas nagiging mahirap para sa mag-ina ang tahakin ang daan papunta sa eskwelahan.

Kitang-kita sa mga larawan kung gaano ka responsableng anak si Jhon Mark at kung gaano niya kamahal ang kanyang ina. Ayon sa isang netizen na taga Caloocan City Hall North Engineering Department na tuwing napapadaan ang mag-ina sa kanilang opisina ay binibigyan niya ito ng kaunting pera para pambaon ng bata at dagdag niya pa na saludo siya sa bata dahil desidido daw talaga ito na makapag tapos ng pag-aaral para sa kanyang mahal na ina.



Samantala libo libong netizen ang naantig sa nakitang larawan ng mag ina at umani ito ng mga positibong reaksyon at komento, may mga naawa sa kalagayan ng mag ina at ang iba naman ay humanga sa batang si Jhon Mark dahil sa ginagawa nitong pag aaruga sa kanyang ina.

Nawa’y ibahagi natin ang istorya ng mag-ina para kumalat pa ng husto sa social media at matulongan ng ating mga kababayan na may kakayahan at busilak ang puso at sana ay makarating din sa ating gobyerno ang sitwasyon ng mag-ina upang matulongan ang mga ito.

Saludo kami saiyo Jhon Mark at ipagpatuloy mo lang pag-aalaga sa iyong ina. Hindi kayo papabayaan ng panginoong diyos.



Please follow and like us:

Related Post