Estudyante, Deretso Uwi Pagkatapos ng Klase Upang Masamahan at Matulungan ang Ama sa Pamamasada

Ayon nga sa kasabihan na ang ating mga ama ay ang haligi ng tahanan, kaya naman halos lahat ng ama ay naghuhumikahos sa pagtratrabaho matustusan lang at maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.



Ibinibigay ng isang mabuting ama ang lahat ng kanyang makakaya para lang mapaligaya ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak. Kaya nakakalungkot lang minsan isipin na may ibang mga anak na hindi pinapahalagahan ang paghihirap ng kanyang ama.

Hindi din natin maitatangi sa panahon ngayon na karamihan sa mga kabataan ay mas gustong kasama ang mga barkada kaysa sa kanilang ama. May iba din na anak na ikinakahiya nila ang trabaho ng kanilang ama.

Ngunit para kay Mary Angeli Camzon, isang estudyante, hindi niya ikinakahiya na isang Jeepney driver ang kanyang ama bagkos imbis na gumala at kung saan saan pumunta si Angeli pagkatapos ng klase ay dumederetso ito sa kanyang ama upang tumulong sa pamamasada nito.

Ang trabaho ng ama ni Mary Angeli ay isang marangal na jeepney driver na bumabyahe sa Kamaynilaan. Isa itong nakakapagod na trabaho dahil kinakailangan niyang magbyahe ng higit pa sa walong oras sa isang araw upang kumita lang ng sapat na pera para may pang gastos sa kanilang pang araw-araw.

Kinakailangan niyang harapin ang mahahabang pila ng trapiko at ang mataas na presyo ng petrolyo kapalit sa napakaliit na kita mula sa pasahe ng jeep.



Kaya naman pagkatapos ng klase ni Mary Angeli, tinutulungan niya ang kanyang ama sa kanyang trabaho bilang isang ‘barker’ upang magtawag ng mga pasahero at tumanggap ng bayad at magsukli.

Ilan sa mga kabataan ngayon ay maaaring ikahiya ang ganitong klaseng trabaho ngunit hindi ito inalintana ni Mary Angeli. Bagkus, ipinagmamalaki niya pa ang kanyang ama dahil sa ipinapakita nitong kasipagan at sa kanyang marangal na gawain. Sinasabi niya pa na wala na siyang ibang pamilyang pipiliin pa.

Sinaad niya pa sa kanyang social media account sa Facebook na:

“Kung ipapanganak man akong muli, gusto ko ikaw pa din tatay ko, sa parehong pamilya pa din bagsak ko. Swerte kaya namin sayo.”

“shoutout sa tatay naming di napapagod mamasada ng jeep makapagtapos lang kaming magkakapatid. Iloveyou tay! Btw, namiss ko ‘to. Yung uuwi akong maaga from school para lang tulungan ka mamasada. Hehehe”

Nakahalip pa sa kanyang salaysay ang hashtag na “#SupermanNgBuhayNamin.”

Anong masasabi ninyo sa ipinamalas na kabutihan ni Mary Angeli? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.



Please follow and like us:

Related Post