Debutanteng Anak Naisayaw ang Pumanaw na Ama kahit sa Larawan Na Lang na Nakalagay sa Isang Stuffed Toy

Sinong magulang ang hindi kayang gawin ang lahat para mapasaya ng lubusan ang kanyang anak?

Kahit sinong magulang ay gagawin ang lahat para ang anak ay makaramdam ng nag-uumapaw na pagmamahal mula sa kanila.Lalo na sa pinaka-espesyal na araw nito, ang ika-walong kaarawan ng isang kabataan na umusbong patungo sa ganap na pagkadalaga.



Kahit sinong tatay ay naghahangad na maisayaw ang anak lalo na sa isa sa mga importanteng selebrasyon ng kanyang buhay.

Nasaksihan ng mundo ng social media ang selebrasyon ng Debut ni Alijean Degamon Legaspino na isinasayaw ang isang stuffed toy na may nakalagay na larawan ng kanyang yumaong Ama sa saliw ng kanta na "Dance with my Father" bilang bahagi ng kanyang 18th Roses. Nakuhaan ito video ng isa sa kanyang mga kaibigan na dumalo sa okasyon at ito ay agad na nag-viral.

Ang nasabing stuffed toy ay galing sa kanyang mahal na Ina at naisipan na ilakip ang larawan doon ng pumanaw na asawa. Na kung saan ay lumisan na lang nang hindi na nasasaksihan ang kasiyahan ng araw na iyon.

Akala ng dalaga na isa lang sa mga regalo ang iniabot sa kanya na stuffed toy pero laking gulat niya ng makita ang larawan ng pinakamamahal niyang tatay.

Ang stuffed toy at ang larawan dito ay humalili sa presensya ng kanyang Ama na nasa langit na. At ito ang nagpaluha kay Alijean.



Ang mga nakasaksi sa nakakaantig na senaryo na iyon kasama ng mga bisita ay di napigilang umiyak. Ganon din ang naging epekto sa mga nakapanood ng video. Ang mga Netizens ay naging emosyonal din at nagbahagi ng kanilang simpatya sa debutante. Na nagpaalala tuloy sa mga kanilang tatay.

Ang ilan sa mga kanilang mga komento ay narito:

"Kakaiyak beks...sakit naman nito"

"Happy Debut AJ...it's sad reality of life...but don't cry, be strong instead..."

"Dami ko iyak dito"

"waah, na-miss ko bigla papa ko, love you pa!"

"Sobra naiyak wala na kasi papa ko simula nong maliit pa ako. D man lang kmi nakita lumaki pati mga apo nya."

Ano ang masasabi nyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.



Please follow and like us:

Related Post