Batang Yakap yakap ng Ama Habang Namimilipit sa Sakit Dahil sa Malalang Karamdaman Umani ng Tulong at Donasyon sa Social Media

Hindi natin maipagkakaila na marami ang negatibong epekto ang naidudulot ng social media sa atin lalo na kung ito ay gagamitin sa masamang paraan. Ngunit kahit na may masama itong naidudulot, mas marami parin ang naitutulong ng social media saatin lalo na sa mga taong nangangailangan ng pinansyal na tulong lalo na kung pang medikal.



Isa sa mga mahirap na kalaban ay ang karamdaman dahil gaano man kayaman ang isang tao kapag karamdaman na ang pinaguusapan wala na itong pinipili kahit sino ka paman, mayaman ka man o mahirap ang pinag kaiba lang ang mga mayaman ay kayang mag pa gamot kahit saan, samantalang ang mahirap tanging tulong nalang sa ibang tao ang maasahan upang masuportahan ang kanilang mga pangangailangang pang medikal.

Katulad nalang ng istorya ng mag-amang nakunan ng video dahilan upang maantig at maawa ang libo libong netizens sa social media.

Si Janna Janjan Alagon Racho isang concerned netizen ang humingi ng tulong sa social media matapos nito ibahagi ang post ng isa pang netizen na si Yen Dumanig Angalot na siya namang kumuha ng nakakaiyak na video ng mag-amang nasa provincial hospital ng Tagbilaran City.



Sa nasabing video na nakunan ng netizen na si Yen na makikita ang kaawa awang bata na umiiyak dahil sa nararamdamang sakit habang ang kanyang ama naman ay niyayakap ito. Makikita sa muka ng ama ang pag-aalala at kitang kita din na ramdam na ramdam din nito ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak. Niyayakap niya ito dahil umaasa ang ama na kahit papano ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ng kanyang anak.

Ayon sa post na naibahagi sa social media na ang batang ito ay si Jomel Montes at kasalukuyang dumaranas sa sakit na uncontrolled malformed cell growth sa kanyang bone marrow.

Dahil isa lang tindero ng buko ang ama, hindi sapat ang kanyang kinikita upang suportahan ang pangangailangang medikasyon ng kanyang anak.

Kaya naman ng ibahagi ng mga concerned netizen ang sitwasyon ng mag-ama sa social media, bumuhos ang tulong mula sa mga netizens na nakakita ng video at ang iba pa nga daw ay personal na pumupunta sa hospital para iabot ang kanilang tulong.

Nakatanggap din ng mensahe ang uploader ng viral na video ng mag-ama mula sa Malacañang at nagaalok ng tulong para sa pagpapagamot ng bata.

Ayon sa updated na ulat ng netizen na si Janna na nailipat na daw ang bata sa Vicente Sotto Hospital sa Cebu kung saan mas mabibigyan ng mas sapat na atensyon at medikasyon ang bata.

Hindi naman matawaran ang sayang nararamdaman ng ama ng bata dahil sa mga tulong nilang natanggap.



Please follow and like us:

Related Post