Bakit nga ba Kadalasang Isinusuot ang ‘Wedding Ring’ sa Pang-apat na Daliri ng Kaliwang Kamay?

Ang kasal ay banal na tradisyon kung saan isa ang singsing sa may likas na simbolo sa sagradong seremonya. Bilog ang karaniwang hugis nito na nagpapahiwatig ng walang-hanggang pag-ibig ng mag-asawa at nagbibigay panata ng pagmamahal at walang kamatayang pag-iibigan.



Pero bakit nga ba isinusuot ang singsing ng pag iisang dibdib sa pang-apat na daliri o sa palasingsingan? Sa katunayan mayroong iba’t-ibang paliwanag upang mas lalong maintindihan at maunawaan ang kaugaliang ito.



Panahon pa umano ng mga Romano at Griyego ng magsimula ang kaugaliang ito, paniniwala nila na mayroong ugat sa ika-apat na daliri ng ating kaliwang kamay na konektado at diretso sa ating puso. “Vena Amoris” kung tawagin ang ugat na ito na ang ibig-sabihin ay “Hand-to-Heart Connection”.

Ang malakas na impluwensiya din umano ng mga Romano at mga Griyego ang siyang naging dahilan ng pag laganap ng paniniwalang ito sa mga bansang nasa kanluran.

Maliban sa mga Romano at mga Griyego na pinaniniwalaang unang pinagmulan ng kaugaliang ito, may iba din umanong paniniwala o bersyon ang mga Tsino. Ayon sa kanila ang hinlalaki ay kumakatawan para sa iyong mga magulang, ang hintuturo ay para sa iyong mga kapatid, ang hinlalato ay para sa iyong sarili, ang palasingsingan ay para sa iyong asawa, at hinliliit para sa iyong mga anak.

Ang paniniwalang ito ay nais lamang na magpahiwatig na ang mag asawa kagaya na lamang ng daliring palasingsingan ay dapat rin na hindi mapaghihiwalay bilang magkabiyak na ang hangad ay manatiling magkasama at nangakong mamahalin, magtutulungan, aalagaan at hindi iiwan ang isa’t isa sa harap ng Diyos sa kalungkutan at kasiyahan, sa hirap at ginhawa hanggang sa kamatayan man.



Please follow and like us:

Related Post