Badjao Girl Ibinahagi kung Gaano siya Kasaya at Kaexcited sa Kanyang Bagong Bahay at Bagong Buhay

Sino nga ba ang hindi nabighani ng kakaibang ganda ni ‘Badjao Girl’ o Rita Gaviola sa totoong buhay. Hindi nakaligtas sa mata ng Netizen ang kanyang exotic beauty habang namamalimos sa lansangan. Kumalat ang kanyang mga larawan habang nanghihinge ng tulong sa kalye at nakuha niya ang paghanga at simpatya ng mga tao.



At dahil sa tulong ng makabago at mabilis na pamamaraan ng Social Media sa pagkilatis ng isang indibidwal kahit pa sa mga larawan lang ay nabuksan ang magandang oportunidad kay Rita. Kaya sa isang tulad niya na isang pobre at umaasa lamang sa pamamalimos para makaraos sa buhay ang pagdating ng grasya ay malaking saya na at biyaya para sa kanya.

Photo credit: iamritagaviola15 | Instagram

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kanyang Instagram video ay ibinahagi niya ang nag-uumapaw na kaligayahan sa kanyang puso sa mga biyaya na kanyang tinatamasa. Mapapanood sa video na iyon ang bagong bahay na bago nilang tirahan. Sa isang tulad ni Rita na halos lumaki na sa lansangan at walang maayos na tirahan ay mahahaplos ang ating mga puso sa katuwaan na nararamdaman niya habang ipinapakita niya ang itinatayong bahay nila.

Photo credit: iamritagaviola15 | Instagram

Nagpasalamat din si Rita sa kanyang Mommy Grace Kreutzer sa caption ng video ng ginagawa nilang bahay.



“Thank you so much mommy grace sa pagpapaayos po ng bahay nmin, may cr na din po kami! Maraming maraming salamat po love you.”

Photo credit: iamritagaviola15 | Instagram

Nahaplos lalo ang puso ng mga nakapanood ng kanyang video ng sabihin niya kung gaano ang kanyang pasasalamat na meron na silang palikuran. Ang hindi pagkakaroon ng sariling tirahan at walang palikuran ay isang malaking kakulangan para sa personal na pamumuhay nina Rita noon. Kaya ang kanyang kakatwang reaksyon na meron na silang pag-aari tulad ng palikuran sa loob mismo ng kanilang sariling tahanan ay isang malaking pagbabago sa kanilang buhay.

Photo credit: iamritagaviola15 | Instagram

Ibinahagi din ni Rita sa kanyang Instagram account ang mga kuhang larawan mula sa kanyang pagmomodelo. Pero kanyang nilinaw na mas gusto niya ibuhos ang buong atensyon sa kanyang pag-aaral at ang pagmomodelo ay hindi niya muna prayoridad sa ngayon.

Photo credit: iamritagaviola15 | Instagram

Ayos sa kanya:

“Sa ngayon pumapasok po ako sa school at tumulong sa mga magulang ko. Pagkadating [galing] po ng school, after ko po gumawa ng assignment, nagluluto po ako, naghuhugas and then nag-aalaga ng mga kapatid ko.”



May posibilidad ba na sa hinaharap ay tahakin ni Badjao Girl ang mundo ng pagmomodelo at ituring itong isang propesyon?
Ang kanyang kasagutan…

“Di ko pa po alam kasi nasa isip ko ang tapusin ko ang pag-aaral kasi mahalaga rin po ang pag-aaral. Pangarap ko lang po makapagtapos po ako ng pag-aaral at sana po matupad ko ‘yung pangarap ko na maging teacher po ako.”

Sa mga nalaman natin patungkol kay Badjao Girl ay mas lalo niya tayong napahanga. Sa kakaiba niyang ganda na may malaki at bonggang mapapala sa pagmomodelo ay mas pinili niya ang maging simple lang sa buhay. At ang pinakamahalaga para sa kanya ay ang makapagtapos ng pag-aaral at higit sa lahat ag maging isang guro. Na kung saan ang pagiging Guro ang pinakamataas na propesyon para sa kanya kesa sa pagmomodelo.



 

Please follow and like us:

Related Post